Rodie Marte Metin: Ready na ang Taglish

Rodie Marte Metin

[While looking for Rodie Martie Metin’s seminal article, Standard Pinglish for Filipinos, which has mysteriously become unavailable on the Internet (if you happen to know where I can find it, I shall be very grateful if you please let me know), I found Rodie’s Blog and the following article, Ready na ang Taglish, posted on July 2, 2006 (and is reprinted below). I notice that the code-switching/code-mixing phenomenon as illustrated by Metin is creeping much faster than I thought into other local languages, on television and radio, on the newspapers, in the more formal settings such as Congress, presidential speeches, schools, graduate theses (see “Komputasyon ng mga Simpleng Verbal Klos sa Cebuano Batay sa Minimalist Program“, a doctoral dissertation for the Ph.D in Linguistics by Jessie Grace Udang-Rubrico), or the less formal blogs, coño, jejemon, texting and everyday discourse. With multilingual language education institutionalized by DepEd Order #74 s.2009, the use of the mother tongue (L1) as medium of instruction from pre-school to grade 3 and as a bridge or scaffolding for the teaching of other courses/subjects, including English from grade school to high school, is sure to produce a super abundance of colorful mixed metaphors and make code-switching/code-mixing just plain indispensable.

Metin, who dropped out of college in his third year because of financial considerations, distinguished himself by writing fiction (some 50 pocketbook titles), stories for television  and comics (Phantomanok I -IV; his comic story, “Ang Manika ay Takot sa Krus”, was made into a movie). In fact, one of his earlier Filipino short stories entitled “Miss Piggy Bank” was included by the Department Education’s textbook, “Hiyas ng Wika”, for high school students.

Later in his life, he espoused the idea of spelling the Filipino equivalent of English words using the “how you say it, then spell it” medium, and dubbed it as “Pinglish”. Actually, it was more than that as you can see in the article reprinted here and in “Standard Pinglish for Filipinos”.

Metin passed away in July 2009.-JP]


Ready na ang Taglish

By Rodie Marte Metin

IN a five-star resort restaurant:

WAITER (to an American guest): Your order, sir?

AMERICAN: Ill have Swedish steak and French fries.

WAITER: (to the Filipino companion) And yours, sir?

FILIPINO:  Ganon na rin. Sweepstakes and first prize.

* * *

Hija, di ba bilin ko, kung hahawakan ka ng BF mo sa dede, say DON’T!

Yes, Mom.

Tapos, kung hahawakan ka sa pepe, say STOP!

Yes, Mom.

E, anong nangyaribakit galit na galit ka?

Sabay po kasi niyang hinawakan kaya sabi ko, DONT STOP!

* * *

ORGANIZER: Paki-acknowledge si Mayor, late na dumating, ayun kadaraan lang.

EMCEE: I would like to acknowledge the arrival of the late mayor who just passed away!

* * *

Marami ang nagsasabing the ugliest animal daw ang hippopotamus. Pero sabi naman ng iba, cow daw.  At naisip ko naman na oo nga, cow yon!

* * *

Ang mga foregoing Taglish jokes ay ilan lang sa mga narereceive na text messages ng isang pamangkin ko sa kanyang cellphone. Pinoforward niya sa akin ang mga ganitong jokes, I think not only as a way to keep in touch but also to tell me somehow na magkapareho pa rin kami ng sense of humor, at isa pa rin siyang karaniwang tao, like me and those in her circle of friends.

Yes, isa kang karaniwang Pilipino na kagaya ko kung tumatanggap ka rin ng mga ganitong jokes sa cellphone mo. Mahirap itranslate sa ibang language ang mga ganitong Taglish jokes. In fact, hindi na magiging kwela and funny ang mga ito if rendered  in any language other than Taglish.

Mula pa nang unang iintroduce sa ating bansa ang wikang English starting in the early 1900s ay nakakita na tayo ng mga katatawanan sa maraming aspects nito. Unang-una na sa pronunciation. Komo very phonetical ang halos lahat ng Philippine languages,  nanibago tayo sa mga English words like cable na binibigkas na keybol instead na kab-le, and chocolate na ang bigkas ay tsokolet sa halip na tso-ko-la-te.

Ganoon din sa enunciation ng mga letters F and P na napag-iinterchange natin.

Maybe ginagawa nating katatawanan occasionally ang mga bagay na ito para maibsan ang stress na involved sa pagkatuto ng isang new language, at ang trauma  sa invasion ng isang foreign culture. Moreover, ang maraming salient differences between English and Tagalog idioms ay nakita na natin ab initio na nakakatawa talaga by nature.

Sa pagmimix ng Tagalog and English into Taglish (na to be expected), hindi  talaga maavoid na makakita tayo ng maraming bagay na mapagtatawanan at katawa-tawa. And to some people, hindi lang katawa-tawa ang mga phrases like Naku, ang beauty-beauty mo naman today, Inday! Ito para sa kanila ay isa ring linguistic crime na katumbas ng double murder: simultaneous slaying of English and Tagalog.

MALI at isang stupidity na sabihing kaya tayo nabobobo sa English ay dahil sa Taglish. Ang ganitong pananaw ang siyang maituturing na kabobohan.

Linguistically, masasabi ngang ang Taglish ay neither here nor there. Mahirap itong icategorize. In other words, isa itong bastardong wika.

But, pero, subalit, ngunit, datapwat, nevertheless, however, and be that as it may,  ang Taglish ay narito sa atin at mananatiling narito as persistently as your consciousness itself during your waking hours.

Impossible na itong madiscard sa isip ng isang typical Pilipino without creating deep hollows sa kanyang psyche.

And why? Simply because ang Taglish ay contemporary evolution ng imperial Tagalog, na isinalaksak sa pambansang ngalangala at lalamunan ng school system and the tri-media starting in the early 50salong with American English!

Ang Taglish ay essentially Tagalog na kaya lang nagtutunog foreign ay dahil na- impregnate through the years ng sangkatutak at sandamukal na loanwords, mostly American English.

Somehow American English ang siyang gumahasa sa Tagalog (and all other Philippine languages) kaya ito naging Taglish. Na matapos gahasain at lurayin ang mga talulot ay siya pa manding sinisisi, dinuduro, at kinukutya.

Salamat sa American imperialism na ngayon ay pinapoging globalization, tayo ay nagkaroon ng sariling wika ngunit walang sariling toothpaste.

Kasalanan ba naman natin kung wala tayong Tagalog, Bisaya, Iloko at Bikol term for toothpastegayong maski hindi tayo magtoothbrush noon at ngayon ay relatively mabango pa rin naman at malapinipig ang ating hininga (compared sa ibang lahi)?

Ngayon, after a century of nonstop American colonization (a.k.a. globalization), napilitan tayong patuloy na gumamit hindi lang ng foreign language but also foreign toothpaste: Pagbilhan nga ho ng colgateyong Close-up, ho.

Nagbunga ang katampalasanan at kabuhungan ng Amerika sa Pilipinas, at ang naging bunga ay dalawang meztisong linguistic children na kung tawagiy Taglish and Engalog.

Ang Engalog, a.k.a. Konyo or Kolehiyala English, ay nabuhay until the early 60s only, kung kailan nagsimulang sumikat ang The Beatles halos kasabay sina Nora Aunor, Vilma Santos, and Eddie Peregrina.

Natsugi agad ito perhaps because ang Engalog ay more essentially English than Tagalog: You make tusok-tusok the fishball so you can sawsaw it to spiced vinegar there, pare!  Street lingo ito ng mga kabataang taga-Forbes Park and Dasma Village then, sprinkled with some Tagalog and other vernacular words learned from their maids and yayas, na very artificial ang tunog maging sa mga speakers themselves.

Nagprosper ang Taglish pagkat ito ay more Tagalog than English, and therefore more adaptable to its environment. Among us, pinakamarami ang native speakers ng Tagalog. And the rest of us, ang second language ay Taglish, pang-third na lang ang English.

At ang English na alam natin, called Philippine English, ay medyo iba na sa Readers Digests or American English, just like British and other Englishes.

Para sa ilang tao, ang masabing isang user ng Philippine English ay kinoconsider nila na very uncomplimentary if not offensive.

Walang universally accepted standard Philippine English, kahit halos lahat ng Pilipino ay American English spelling ang sinusunod. Recognized din widely ang British spelling pero hindi ginamit sa formal correspondence.

Ganito ang sinasabi ng isang on-line encyclopedia tungkol sa Philippine English, na pinaraphrase ko sa Pinglish:

Ang educated Philippine English ay inclined na sundin ang American rather than British pronunciation. Ginagawa nitong mas namumukod na dialect ang Philippine English  in comparison sa English na sinasalita sa mga karatig-bansa like Malaysia and Singapore.

Madalas na English ang pinipiling language for reading and writing among educated Filipinos, ngunit ito ay less commonly used in everyday speech. Dahil dito, ang mga maling bigkas ay nangyayari minsan sa mga English words na ang spellings ay naiiba doon sa pagbigkas ng mga Americans or Britons.

Examples ng karaniwang maling mga bigaks ay margarine (mispronounced with hard g as in get instead of the j sound or soft g as in gem), lead (as in lead pipe, mispronounced para magtunog like lead, meaning leadership, instead na magtunog led), lettuce (madalas na pinopronounce gaya ng pagkakasulat instead of letis), salmon (madalas na binibigkas ang silent l), climber (ang silent b minsan ay binibigkas), at martyr (nagra-rhyme sa clear instead na magsound like garter).

Ang mga Pilipino, in informal situations, ay nag-iinfuse minsan ng mga native words into their English. For example, Lets go home na (Lets go home now). Ang mga  ganitong kaso ay mas masasabing Engalog or Konyo English, although maraming Pilipino ang nagrerefer pa rin dito wrongly as Taglish.

VOCABULARY AND USAGE. Kung saan ang  Philippine English ay nagsi-share ng vocabulary sa ibang English dialects, ito ay mas nagsi-share ng similarities sa American English. Ang ilang words sa Philippine English ay may ibang meaning kaysa kanilang counterparts in standard American or British English.

Karagdagan pa, may mga ilang words and phrases na peculiar sa Philippine English at hindi nag-aappear kailanman sa ibang English dialects. Some examples:

Aggrupation group or cluster

For a while   gamit sa telephone na ang meaning ay please hold

Gimmick slang meaning good time, party, magwatch ng movie

C.R. toilet, bathroom. (C.R. ang initials for Comfort Room)

Take home take-out or to go (eatery sign)

Every now and then often

Rotonda – roundabout (British) or circle (American). Iba sa rotunda

Salvage a slang for summary execution

Tomboy lesbian

Commuter same meaning as in other Englishes, pero in Philippine English, isang walang sariling sasakyan. Pagka may sariling car, ikaw ay  motorist. Idagdag dito ang iba pang Philippine English words like presidentiable, senatoriable and fiscalize na tayo lang ang gumagamit if informally.

AS an acquired language, di maiwasang ang English ng mga Pinoy ay magkaroon ng ilang changes due to our peculiarities and idiosyncrasies as a multi-cultured people, lalo na sa pagbigkas, accent, and other language aspects. Ang uring ito ay tinatawag ngang Philippine English.

But as regards grammar, diction, and pronunciation, ang educated Philippine English ay hindi naiiba sa American and British Englishes. Intelligible ito anywhere in the world in both its spoken and written forms. Ang important word ay educated.

Lahat ng mga Englishes sa mundo basta educated ay understandable in their spoken and written forms. Tinatawag ding Global English by some Internet encyclopedias, ito ang language ng CNN International, BBC, varied Readers Digest English editions, Time, Newsweek, Cosmopolitan, and all other English-language newspapers and magazines.

Kung ang paniniwalaan ay ang most recent Social Weather Station surveys, about 34 percent na lang ng mga Pilipino sa ngayon ang may educated English proficiency, dahil  ang 66 percent ay hindi na nakauunawa nito. So kung tayo ay 80 million people, iyan ay 27 million Filipinos. Sabihin nang about 10 percent of that ay below seven years old, leaving just about 24 million Filipinos na well versed in English, ito ay isang considerable market pa rin for English-language products such as books, newspapers, magazines, song, movies, ideas, etc

But definitely, hindi na tayo ang worlds third largest English speaking country. At hindi na rin masasabing second language sa buong Pilipinas ang English. Bagaman ito until now ay official language and medium of instruction sa ating bansa, ang 24 million sa atin na proficient sa English ay wala pa sa kalahati ng 80 million Pinoysnearly all of which ay well-versed in Taglish.

Taglish ang pumalit sa English as second language of at least 65 percent of Filipinos, mostly non-Tagalog. At sa mga Tagalog Filipinos naman, numbering about 30 million, ang  Taglish ay first language na nila, second ang English. Itoy sa dahilang ang Taglish ay informal development and evolution ng Tagalog, and essentially Tagalog pa rin.

Pagkat ang Taglish ay lingua franca ng mga Pilipino, and in fact spoken too in the United States, Canada, Australia and other parts of the world na may Filipino community, ito ay ready at nararapat nang isapamantayan.

Pero hindi lang ito ang reason kaya dapat nang standardizin ang Taglish as a modern-day evolution of Tagalog. Duty and obligation natin ito sa ating sarili as a people pagkat hindi maganda na ang isang bansa ay nagsasalita ng isang language na neither here nor there. In other words, no less BASTARDO than Engalog or Konyo English.

What about Filipino? Okay lang ito as a formal for of Tagalog. But as regards intellectualization, ito ay late ng isang century sa Standard Taglish, na isinasuggest kong tawagin nating Pinglish for political correctness.

Puwedeng itranslate sa Filipino ang ano mang technical and mathematical literature kung gagamit ng mga coined and invented words. In fact, possible ito even in primitive languages like that of the Tasadays. Ang problem ay hindi magiging understandable sa mga present-day people ang isang artificially developed language.

Sa ngayon, ang Filipino alone ay hindi pa puwedeng medium of instruction hanggang technical and graduate school levels. Kaya nga kailangan pa rin natin ang English. Ngunit puwede na ang Standard Taglish (Pinglish), gaya nitong binabasa mo. Reading-ready na itong pumalit sa English in all school levelsanytime, ora mismo.

ANG panukala na standardizin ang Taglish at gawin itong official language and medium of instruction ay hindi isang pagdeviate sa ating pambansang adhika na magkaroon ng sariling wikang maipagkakapuri sa mundo. In fact, ito na nga ang way para natin marealize agad ang pambansang adhikang ito, na ang pangunahing nag-envision ay si Pres. Manuel Luis Quezon noon pang early 1930s.

On the way na tungo sa ganap na realization ang dream na ito ni Quezon. Mayroon na tayong national language na masasabing our very own, now also known internationally as Taglish. Katunayan, dinidefine ito ng Wordweb, isang online dictionary, as informal mixture of Tagalog and English used in the Philippines. Yes, only in Pilipinas.

Ang Taglish ay inadopt na as an English word, included na sa mga contemporary English dictionaries, and already globally being recognized. Kung ito man sa ngayon ay isang informal mixture of Tagalog and English, madali na lang itong gawing formal and standardkung gugustuhin natin.

Formerly ay dalawang standardization rules lang ang isinasuggest kong kailangan para natin maistandard ang Taglish. Ngayon ay one rule na lang ang kailangan, isinusubmit ko, gaya nang sumusunod:

In writing and formal discourse, Tagalog grammar lang ang gagamitin.

Naniniwala ako na lahat ng magagaling na linguists sa mundo ay aagree sa akin na kung iaadopt ang solitary rule na ito, ang Taglish ay magiging formal mixture of Tagalog and English, na for political correctness ay tatawagin nating Pinglish.

Sa pagsulat at pagsasalita man, inaalow tayo ng Tagalog grammar na makagamit ng ano mang foreign word. Ito ang dahilan kaya puwede nating iadopt ang lahat ng English words  sa pananagalog. And because ang Tagalog at English ay sabay nating ginagamit nationwide since the early 1950s hanggang ngayon, marami nang Tagalog and English words ang bahagi na ng ating vocabulary and already common to all Filipinos.

Kung lahat ng salita sa balat ng lupa ay puwede nating magamit sa pananagalog (o sa pagpoform ng sentences using Tagalog grammar), then ano ang dahilan at nagpapaka-por-diyos-por-santo tayo na magdevelop pa ng isang Tagalog-based language like Filipino?

Hayaan na lang nating umalagwa, lumaya at mamayagpag nang lubusan ang Tagalog sa pamamagitan ng pag-adopt ng lahat ng English words, gaya ng kasalukuyan nang nangyayari. Sabagay, kahit naman ano ang gawin natin para pigilin na maging Taglish ang Tagalog ay wala na ring mangyayari. Too late the hero na, kasi ang Tagalog grammar mismo ang umiencourage sa atin na mag-Taglish.

Para iprove ito, narito ang isang classic example ng Tagalog sentence na binubuo ng all loanwords: Maybe e-earthquake again in Indonesia one of these days.

Maaaring understandable ito sa isang American, pero hindi papasa as grammatical English. On the other hand, ang said sentence ay grammatical Tagalog. Tagalog grammar ang inemploy by repeating phonologically the first sysllable of the verb e-earthquake para magamit in the future tense, and in the Tagalog-grammar way.

Nag-aagree ang lahat ng linguists na ang isang language ay mas grammar kaysa vocabulary. Dahil ang grammar ay isa ring thought pattern, a kind of thinking process, na ang gamit na mga words ay halos incidental lang, and in fact puwedeng likhain.

Puwedeng magcoin at magcreate ng words. Pero impossible yatang makapagdevice tayo  ng isang thinking process, also called grammar. Sa ngayon, majority na sa atin ang nag-iisip in Taglish, o ginagamit ito as a thinking process, dahil hindi na nga maiwasan.

Pagka sinabi mong Ngayon ko lang talaga narealize na nagkamali ako at alam kong disappointed ka sa ginawa ko; kaya… sorry, ha? anong thinking process ang inemploy mo? In other words, sa anong wika ka nag-isip para masabi mo ang foregoing sentence?

Sa Taglish. Because Tagalog grammar ang ginamit sa construction ng sentence with   American loanwords such as realize, disappointed, and sorry.

Ganito ang said sentence in pure Tagalog: Ngayon ko lang talaga napagtanto na nagkamali ako at alam kong bigo ka sa ginawa ko; kaya paumanhin, ha?

Alam natin na these days, kahit isa kang native of a Tagalog province ay seldom mong gagamitin, or maybe hindi mo na nga ginagamit pa ang napagtanto in place of narealize,  more especially kung ikaw ay nasa age bracket na from ten to forty-five.

Ganoon din naman ang  bigo and paumanhin in place of disappointed and sorry,  respectively.

Anong mga dahilan at naintegrate sa speech ng present-day generation of Pinoys and maraming foreign loanwords, so much so na namodify considerably ang kanilang thinking process? Ang mga sumusunod na factors ang dahilan kaya ang Filipino ay mabilis na nagiging Taglish in the passage of time:

Number one ang ating borrowed, and now helplessly adopted, education system. Mulat sapul ay hiram lang ang ating education system. Noong time nina Apolinario Mabini at Jose Rizal, ito ay system na inimprovise ng ating mga Spanish colonizers from that of Spain. Then from the time of Manuel L. Quezon and Carlos P. Romulo up to the present, ang education system natin ay adopted from the American.

Number two factor ay ang pag-adopt natin ng two mediums of instruction in the school system, Tagalog-based Pilipino and English, from 1978 up to now. Inakala marahil ng ating mga leaders na ang education ay tulad lang ng paglalaba na puwedeng hiwalay ang  puti sa mga de-kulay na damit.

Ngayon, alam na natin na kapag sabay na ginagamit ang dalawang wika, ang mga ito ay nagkakahawaan na parang mga de-kulay na damit.

Ang number three factor sa mabilis na paglaganap ng Taglish ay ang mass media. Of course hindi nagmula sa mga mass media practitioners mismo angTaglish kundi sa ating school system. Saan mo pa nga ba gagamitin ang natutuhan mo sa school?

And last but not the least, ang Imperial Manila.  Kaya tayo naging Republic of Taglish ay dahil Taglish ang naging language ng Maynila ever since na makatikim tayo ng American chocolate and bubblegum in the early 1900s. At komo ang seat of government, at ang economic, cultural, and financial center ng ating country ay ang Imperial Manila, ang lahat ng Pinoy ay naghangad matuto ng Taglish almost out of sheer necessity.

But then againbakit po ba natin pilit na pinaghahalo ang Tagalog at English as though with intentional stubborness? Ito ba ay isang brazen show of kabobohan or perhaps kasutilan on our part, Sen. Tolits? I dont think so. Nothings really wrong with beautiful Tagalog words like napagtanto pero mas readily understandable ang narealize sa mga non-Tagalog. Besides, iba ang dating ng disappointed ako sa yo kaysa bigo ako sa yolalo na sa mga kabataan. At yan po ang truth.

And so nagta-Taglish tayo not because humina tayo sa English kundi mas masarap lang talagang magtalking-talking sa sariling wikaang Taglish. Kung kumukonti na nga ang mga Pinoy na proficient sa English, problema pa ba natin yan?  Ang talagang problema natin, hindi tayo marunong ng Chinese gayong ang lapit-lapit ng China, ang dami-daming Tsino, at madalas na binebenta nila tayo nang harapan by talking in their own language.

PAGKAT Taglish na nga ang ating de facto national language, marapat lang na ang bagay na ito, ang linguistic phenomenon na ito, ay seryoso na nating pag-isipan upang magamit sa mga pambansang pagpapasiya.

Hindi na natin pagtatalunan pa na kailangan natin ang kasanayan sa English for practical and intellectual consideration. Unlike in Japan, Korea, China, Taiwan, Singapore, Thailand and other progressive Asian countries na nakapaligid sa atin, hindi ka makakapagtapos kahit high school man lang sa Pilipinas without having to learn English.

Ito ang reason kaya ang Pinoy ay 2nd class citizen of the world compared to a Japanese, Korean, Chinese, Taiwanese, Singaporean and Thailinguistically speaking.

Kailangan natin ang English because intellectually ang Filipino ay inutil pa at mananatiling intellectually inutil habang English ang ating medium of instruction and official language. In fact, inaadmit natin na kailangan natin ang English dahil inadequate ang daan-daang Philippine languages para maging medium of instructionincluding our very own national language, ang Filipino.

Inaadmit din natin na kung walang English, wala ring asenso ang kahabag-habag na bayang ito; at kung Tagalog ka lang, Bisaya ka lang, o Ilokono ka langnungkang maging globally competitive ka. Kaya dapat ay marunong ka rin ng English.

In other words, kailangan munang maging Amerikanong hilaw ka para makapag-ambition na maging domestic helper, at least.  At ito ang sad reality for all of us.

Now, isinusubmit ko na kung iistandardizin ang Taglish at tatawaging Pinglish for political correctness, hindi lamang ito appropriate na maging Philippine national language kundi capable din na maging medium of instruction and official language natin.

As a medium of instruction, mas effective ang Taglish kaysa Filipino and/or English pagkat ito ang bagong language na unang natututuhan ng majority of Filipinos from age four to sevennext to their native tongue. In the case of  the Tagalogs, Taglish ang unang language na natututuhan nila starting in the 1950s because ang Taglish ay modern development lang ng Tagalog.

Kung ano ang kinamulatang wika, iyon ang most effective medium of instruction.

Para magamit na medium of instruction ang Taglish, initially ay dapat itranslate natin dito ang lahat ng high school and vocational text books. Ang Department of Education ay kailangang magtayo ng isang Bureau of Translation tasked to implement this work. Hindi na kailangan ang legislation or presidential order for this. Now, kung ito ay  violative of the Constitution, no problem. Amendin natin ang Constitution.

Kung nakakautang tayo ng billions of dollar sa IMF-World Bank consortium for infrastructure and behest loans, bakit hindi for our educational needs, gaya nang pagtatranslate ng mga school books into Taglish or Pinglish?

Hindi natin ito puwedeng gawin sa Filipino dahil nga ang Filipino ay inutil pa intellectually. In Taglish, lahat ng aklat sa mundo ay puwedeng isalin. Ito ang pinakamayamang wika sa balat ng lupa, vocabulary-wise. At ang Taglish ay likas na Pilipino. Wala nito sa States, Japan, China, Germany, Franch, or any where except in the Philippines.

Pagkat ang Taglish lexicon ay mostly from English, mas madali tayong magiging proficient sa English kung ito ang medium of instruction. Pero hindi na natin kailangan ang iba pang wika kung tayo ay properly educated, di  ba?  If you could learn your English, Math, Philosophy, Art and Science in Taglishano pa ang problem?

KUNG ang vocabulary ng Pinglish ay mostly English words, bakit hindi na lang English ang ating gamitin as the sole medium of instruction and official language?

Kasi nga, ang language ay mas grammar kaysa vocabulary lang. Kahit memorizin mo ang lahat ng English words at alamin mo ang meanings ng mga ito, kung hindi ka well-versed sa English grammar and idioms ay hindi ka pa rin makapagsasalita in English.

Katunayan, maraming English words ang nagkalat at naglipana sa lahat ng dako ng ating bansa, at macoconsider nang native sa ating mga Pinoy.

Nariyan ang mga traffic signs (no parking, no left turn, avoid tailgating, etc).  Nariyan ang mga signs in many establishments: exit, push, pull, ladies room, mens room, no smoking, house for rent, etc). Nariyan ang mga names of streets, companies, shopping centers, etc; mga official receipts, invoices, wedding invitations, billboard ads, etc all written in English.  Marami tayong English newspapers and magazines.

Hindi na masasabing loanwords ang mga salitang please, hello, okay, thanks, good morning, good afternoon, come in, Monday, Tuesday, January, February, pesos, dollar, abroad, remittance, placement fee, and many more words of foreign origin.

Mula pa noong 1900s ang mga salitang katulad ng mga ito ay sinuso na natin sa ating mga ina at mas foreign pa than these words ang ibang deep vernacular words.

In fact sa ngayon ay mas marami pa tayong naeecounter na English words and phrases kaysa mga Tagalog and other vernacular words. So bakit hindi tayo nagsasalita in everyday English? Bakit patuloy pa rin tayong nagbi-Bisaya, nagbi-Bicol, nagta-Tagalog, nagi-Iloko, nagpa-Pampango, and by and large ay nagta-TAGLISH?

Irerepeat ko ang sagot more frankly. Majority sa atin ay mahina o walang alam sa English grammar and idioms.

Mahina tayo sa English dahil hindi natin maiwasang maging mas mahusay sa Bisaya, Bikol, Pampango, Iloko, Tagalog at iba pang wika na native sa atin. Ang ating native tongue ay natutuhan natin in a natural way from age four to seven. Samantalang seven years ang kailangan para tayo maka-acquire ng isang second language.

Magkakahawig ang grammar ng mga Philippine languages at alinman sa mga ito ay puwedeng maging lingua franca natin. Tagalog nga ang pinagbasehan ng ating national language dahil ito ang pinakamabilis matutunan ng mga Pilipino.

Kayat mas mahusay tayo sa Tagalog kaysa English pagkat Tagalog grammar ang madalas nating gamitin. Lalo na ngat tatlo lang ang tenses ng mga Tagalog verbs: present, past, and future tenses. Sa English ay may present perfect, past perfect, and future perfect in addition to the simple tenses.

Dagdag pa rito, sa Tagalog grammar ang lahat ng English words ay magagamit nga natin. Ngunit hindi puwedeng gamitin ang English grammar to incorporate all Tagalog words.

Pinipili natin ang thinking process na mas maalwang gamitin precisely because ang ganito ay mas tumpak at isang katalinuhan. Nagta-Taglish tayo hindi dahil mahina tayo sa Tagalog at English kundi nahirati na tayo sa ganitong thinking process.

Ready na ang Taglish na magamit at mapakinabangan natin to the max. Sa halip na ismolin at idiscourage natin ang paggamit nito, ang mas dapat ay linangin pa natin ito at isapamantayan as Pinglish.

Ganito na tayo ngayon. Hindi natin dapat ipagmakahiya ang nangyari sa atin.

4 thoughts on “Rodie Marte Metin: Ready na ang Taglish

  1. ..Taglish is a of the words Tagalog and English which refers to the language or its standardized and official form infused with terms. Phonology North American English regional phonology In many ways compared to English English North American English is conservative in its Phonology.

  2. He is the Filipino author/novelist and illustrator from Cebu became a cartoonist/illustrator of comics films television and media mostly in Tagalog and English in several magazines novels and comicbooks in popular culture and entertainment in Philippine history. Thanks for the information.From:Wayne

  3. He is the Filipino novelist illustrator and
    cartoonist/author born in Calapan Mindoro in 1949 becomes a writer and cartoonist in several comics magazines novels/books and media inspiration from the works of Mars Ravelo Carlo J Caparas and other literary icons from the Philippines in popular culture in television film and media in Philippine history died in 2009 at the age of 60 remains a national artist and icons in Philippine history.Thanks for the information. From:Wayne. Rodie Marte Metin(1949-2009) Rest in Peace/R. I. P.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s