A Window into Dr. Resty M. Cena’s Thinking on MTBMLE

PEAC members with Dr. Resty Cena (3rd fr. l., f-r) at the Calgary Main Public Library

[Below is Dr. Resty M. Cena’s lecture before members of the Pilipino Educators Advocated Council (PEAC) at the Calgary Main Public Library on November 14, 2009. The lecture, to me, defines Dr. Cena’s unadulterated position regarding Tagalog, er– Filipino, our national language which he, like the Tagalog language chauvinist Lope K. Santos, understandably remains loyal to, in spite of his feeble, condescending attempt to lob a curve regarding MTBMLE toward the end of his lecture. He hastens to clarify this with the following: “Sa aking pananaw, ang MLE ay hindi tungkol sa pagtuturo ng wika at kultura… Paglunuyin ang nag-aaral at hayaang namnamin muna niya ang sariling kultura, habang inihahasa ang isip para magamit na isang matatag na tulay sa pag-aaral ng ibang wika at ng ibang kaugalian at pananaw.”

Do you think Dr. Cena, for once, seriously — not anecdotally — considered how equally plausible it is for an Ilocano, or a Bicolano, or a Cebuano, or a Hiligaynon, or a Kapampangan, or a Pangasinense, etc., to harbor similar sentiments for his respective language and ethnic culture as Dr. Cena has for his Tagalog? And I want to make it clear that those sentiments are not just the variety that Dr. Cena described so callously, to wit: “Pero magsaya ka, kaibigan. Lahat ng masamang kapalaran ay may konsuelo? Minsan isang taon, maiimbita ka sa malaking siyudad. Doon, magsusuot ka ng bahag, at tatakpan mo ng mga bao ang mga tuhod, dibdib, at bumbunan, at sa tunog ng isang tambol, sasayaw ka at pipilitin mong iyumpog ang mga bao sa tuhod sa mga bao sa dibdib at sa bumbunan. Wow, ang galing! Palakpakan ang mga nanunuod! Ang daming kumukuha ng litrato, at mamayang gabi, nasa Pinoy Patrol TV ka. Cultural diversity! Bukas, uuwi ka sa pinanggalingang bundok, ang iyong kulungan, at huhukay ng kamoteng kahoy at tatabas ng saging na saba. Samantalang ang mga nasa siyudad, sa mga sentro ng pag-aaral at komersiyo, patuloy na sumusulong ang kaalaman at katayuan sa buhay ng mga tao.” Clearly, that’s how Dr. Cena looks at the rest of us who, by “accident” were not born Tagalog — Joe Padre]

Ang Huling Tao sa Harap ng Siga: Ilang Tala tungkol sa Kultura at mga Wika ng Pilipino

(Talumpati sa pagdiriwang ng Pilipino Educators and Advocated Council, Calgary, Alberta, Nobyembe 14, 2009)

Resty M. Cena

Aksidente

Isang maagang aksidente sa aking buhay na hindi ko napigilan ay ang bagay na sa Pilipinas ako ipinanganak at lumaki, hindi sa UK, Australia, Wyoming, o Flin Flon, Manitoba kaya. Dahil sa aksidenteng ito, ang unang lengguwahe na natutuhan ko ay Tagalog, hindi Ingles. Kung kaya, hindi ako nakapagsasalita ng Ingles na kasing-natural ng mga likas na tagapagsalita. Hindi ko at panayang at hustong nabibigkas ang mga banyagang tunog ng ilang letra. Kaya ko lang nabibigkas nang mahusay-husay ang mga salitang may ganitong mga tunog ay kung iisipin kong mabuti ang mga salita. Ang problema, kapag inisip ko ang tunog ng salita, nalilimutan ko ang susunod na sasabihin. At habang pinipilit kong mag-salita ng natural na Ingles, lalo namang nagiging artipisyal ang tunog. Ang sabi ng aking maybahay, bakit pa raw kami bibili ng artipisyal na bulaklak para sa bahay; maupo na lang daw ako sa isang sulok at magsalita ng Ingles.

Hindi naman sana perhuwisyo ang aksidente na ang likas kong wika ay Tagalog, kung hindi lang nagkaroon ng isa pang mas lalong malaking aksidente. Sa dahilang hindi ko maintindihan, hindi pangmundong wika ang Tagalog. Hindi Tagalog ang wika na ginagamit sa US Congress, sa Kremlin, sa Buckingham Palace, sa Hollywood. At pag nawala ka sa desyerto sa Middle East, matutuyo ka na pero hindi ka pa rin maintindihan ng mga Bedouin na ang hinihingi mo pala ay hindi pamahid ng pawis kundi tubig na maiinom. May hula rin ako na kapag nag-uusap sina Pareng Barrack at Mareng Michelle bago matulog, hindi Tagalog ang ginagamit nila. Kung nagkataong Tagalog ang naging pangmundong wika, ang mga Yankee, Briton, Aussie, at Canuck ang may problema sana. Hirap nilang bigkasin ang tunog na “ng” sa unahan ng pantig; nagkakapali-palipit ang dila nila sa pagsasabi ng: “Ngumingiti sa ngitngit hanggang sa ngala-ngala ang bungisngis.” Ang sarap pagtawanan.

Kung sa bagay, masuwerte pa rin naman ang marami sa atin kaysa sa ibang kababayan. Dahil sa nang dumating si Legazpi sa ating lupain, mga bandang 1565, hind siya nagtagal sa Cebu (dahil sa binuliglig siya ng mga Portuguese pirates) at naghanap siya ng ibang mapagtatayuan ng gobyerno. Sa masama o sa mabuti, sa Maynilad sila nadako. Ang daming senaryo rito. Isipin na lang: Kung tumigil si Legazpi sa Cebu, malamang na Sebuwano ang pambansang wika; sayang, natuto sana ako ng Sebuwano. Hindi sana napatalsik sina Rajah Sulaiman sa Maynilad; kung gayon, baka kumalat ang Islam sa paligid ng Maynila; sayang, natuto sana ako ng Arabo. Bukas sana ang Maynila at Luzon para pag-agawan ng mga Aleman, Pranses, Dutch, at Hapon na matagal din inaaligiran at pinagnasaan tayo; sayang, natuto sana ako ng isa pa sa mga wikang ‘yan.

Dahil sa nasa Maynila ang gobyerno ng Kastila, ang unang hinahagupit ng mga Kastila, kapag sila’y kinakabagan, ay ‘yong mga probinsya na malapit, na katagalugan: Rizal, Cavite, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, at dalawang kapampangan: Pampanga at Tarlac. Kaya naman ang mga taga-probinsiyang ito ang puspusang nag-rebelde sa pamahalaan, at marami sa kanila ang nagkaroon ng pagkakataon na maging bayani at miyembro ng “ruling class”. Tagalog ang wika na ipinagbunyi sa Malolos Constitution, na maiintindihan naman natin dahil sa ano pa nga ba ang ipagbubunyi nila kundi ang wika nila. At isa pang aksidente ang nangyari na noong hinawi and daan tungo sa kalayaan ng Pilipinas, ang huling hati ng 193o, ang namuno ay si M.L. Quezon, na isang Tagalog mula sa Baler, Quezon (dating Tayabas).

Bakit may mga kabihasnan na sumulong at yumabong at may mga kabihasnan na hindi umangat sa baytang ng paghahanap ng makain sa gubat o sa primitibong pagsasaka? Bahagi ng paliwanag ni Jared Diamond ang “geographical accident”. Bakit may mga wika sa Pilipinas na kumalat at may mga wika na hindi nakarating sa kabila ng ilog o ibayo ng bundok? Geographical accident. Tulad ng aksidente na ang Pilipinas ay binuo ng pagsabog ng mga bulkan na ang ilan ay buhay at naghahagis pa ng hinagpis, na nakaupo tayo sa isang plato na nakikipagbungguan sa isa pang plato kaya’t madalas tayong ugain ng lindol, at nakahalang tayo sa daanan ng bagyo. Mga Aksidente. Sa mga bansa sa Southeast Asia, bukod sa ilang bahagi ng Indonesia (Sumatra, halimbawa), nang magsabog ng masamang panahon ang Bathala, tayo ang minalas na nabuntunan.

Bulkan, lindol, bagyo, baha, at wika at kultura na nasa dapit-hapon ng buhay — mga aksidente na ang tanging magagawa natin, kung may paraan, ay bawasan ang pinsala.

Kamatayan ng Wika: Kamatayan ng Kultura?

Isang tangkang bantuan ang kamalasan ng minoridad na kultura at wika ay ang kampanya na pangalagaan ang mga wika at kulturang ito. Sa unang dinig, magandang pakinggan. Ang mga wikang tinutukoy ay iyong nakatabi at nadudunggol ng Sebuwano, Hiligaynon, Tagalog, at Ilokano. Pinangangambahan na kung mamamatay ang wika, mamamatay ang kultura ng mga tagapagsalita ng kultura. Pero hindi ko makita ang kalapatan ng pag-iisip na ito sa konteksto ng mga wika at kulturang Pilipino. Kung bukas ng umaga ay bigla na lang magising ang buong katagalogan na nagsasalita ng Ilokano — patay na kaya ang kulturang Tagalog?

Dito kailangang suriin ang isang akala: na magkakaiba ang kultura nating mga Pinoy. Iba ba ang kulturang Tagalog sa kulturang Ilokano, sa kulturang Sebuwano, sa kulturang Aklanon? Ang dami kong kaibigang Ilokano, at marami kaming kapitbahay na Ilokano, pero matay ko mang tingnan ang mga kaibigan at kapitbahay, wala akong nakikitang gawi nila na naiiba sa mga kamag-anakan kong Tagalog — na magsasabing ibang kultura ang Ilokano. Tutuo, ang hilig ng mga Ilokano sa diningding, at ng mga Tagalog sa aming bayan sa bulanglang, at may bulong-bulongan na isa sa aming kaibigan ay mahilig sa maanghang at ginataang pagkain, dala ng kanyang pagiging Bikolano. Maraming ganitong maliliit na pagkakaiba ang binabanggit para pangatwiranan na magkakaiba ang ating kultura.

Natatandaan ko noong bata pa ako, ang kakaibang sipag at tipid ng Tatang ko, kahit hindi siya galing sa kailukohan, at ang galing magluto ng Inang ko, kahit hindi siya Kapampangan, samantalang mula nang ipanganak ako bulagsak na akong mamuhay at gugulapay na ako sa gutom pero hindi pa rin ako magluluto, dahil hindi ako marunong, pero kailanman ay hindi ko naisip na may tatlong kultura sa aming bahay, kahit na nga madalas sabihin ng aking Inang, kapag wala na siyang ibang maisagot sa akin, “Sino ka ba? Parang hindi kita kilala?” Iisa lang ang kultura sa bahay, at ng mga Pinoy sa bansa — ang kulturang Pinoy.

Bukod sa hindi ako naniniwala na pagtuntong ko sa Laoag ay nasa ibang kultura na ako at mangangailangan na ako ng isang cultural guide, hindi rin ako naniniwala na ang mga wika natin ay nagkakaiba-iba sa kakayahang maghayag ng kulturang Pinoy. Anong kultura ang nakatala sa wikang Ilokano o Sebuwano na kung mamamatay ang mga wikang ito ay mamamatay na rin ang nasabing kaugalian ng mga Ilokano at Sebuwano? Anong pangkulturang pag-iisip na Pinoy ang naipapahayag sa Ilokano pero hindi sa Tagalog? Anong kultura ang dala ng wikang Ilokano na sisira sa kulturang Tagalog kung Ilokano ang gagamitin sa katagalogan?

Linawin natin ang ibig sabihin ng kultura. Ang kultura ay ang kinaugaliang pakikitungo natin sa kapwa at sa kalikasan at paliwanag sa mga kababalaghan, samakatuwid, isang paraan ng pamumuhay. Sa mga bukid, kung may patanim, nakikipagtanim tayo. Sa baryo, kung may kasalan, nakikipagsaya. At kung may namatay, nakikipaglamay. May isang panahon na kung may sakit ang bunso, lalapit tayo sa hilot o arbularyo, o maghahain ng pagkain sa anito; at kung namatay ang anak, mayroon mangkukulam na masisisi. Ang bagyo at baha ay ngitngit ng mga anito dahil sa nagawang hindi mabuti ng tao. Sa bandang huli: “Kapalaran, ‘yan, pare. Kaloob ng Maykapal.”

Aling bahagi ng kultura ang pangangalagaan? Nagbabago ang mundo. Dumadami ang mga kamay na sumusunggab sa ikabubuhay. Unti-unti, umuunti ang “Tayo”, lumuluwag ang pakikisama, kape na lang ang ipinag-aanyaya sa bahay, at maikli na ang pilitan. Hindi na rin pinatutulog ang mga bisita sa ating kama. “Mare, pare, dito na kayo sa sala mahiga; para makapanood kayo ng TV hanggang sa antukin kayo.” Ang ating mga binatilyo at dalagita ay naghahawakan na ng kamay kahit hindi pa sila ginoo at ginang. Marami nang magagandang paliwanag ang siyensya tungkol sa kababalaghan. Ngayon, maaaring ang reaksyon natin sa salanta ng baha ay hindi dahil sa ito’y tadhana, o dahil sa galit ng mga bathala, kundi sa pagkukulang ng gobyerno na gumawa ng sapat na estruktura para makulong ang sobrang tubig. At si Bebot ay nagkasakit hindi dahil sa hindi nagpasintabi sa nuno sa punso, o kinulam ni Tandang Pilar, kundi dahil sa hindi naghugas ng kamay bago kumain ang saragate. Nagbabago ang mundo, nagbabago ang kultura.

Ang hiling na pangalagaan ang kultura ay may pagka-isip-musmos. Para bang itinutulad ito sa pangangalaga sa lumang baul o kahoy na gilingan na minana pa sa kanunu-nunuan. Sino ang pipili ng aling bahagi ng kultura na pangangalagaan? Ang kultura ay parang isang organikong sistema na may sariling lohika. Tulad ng ebolusyon ng mga nilikhang may buhay, ang ebolusyon ng kultura ay sumusunod at nakikibagay sa hamon sa buhay, na dala ng nagbabago at paliit na mundo dahil sa bilis ng biyahe at bilis ng pakikipagtalastasan, at sa bilis ng pagtuklas at paglaganap ng mga bagong kaisipan. Kung wala nang silbi ang isang ugali, kung may bago at mas mabisang paraan ng pakikitungo sa kapwa at sa hamon ng buhay, ang nasabing napagkalakihang kaugalian ay malamang na maging abala pa, kung hindi man makasama pa, sa buhay. Sa halip na abalahin, tulungan ang kultura na magwaksi ng mga yagit, at pasiglahin ang pagtanggap sa mga kapaki-pakinabang na kasanayan. Hindi ang pagpapanatili kundi ang modernisasyon ng kultura ang kailangan.

Isa pang bukang-bibig ang hiling na pangalagaan natin ang ating pagkakaiba-iba o cultural diversity. Magandang pakinggan. Para kangino? Sino ang makikinabang? Kung isa ka sa natitirang isang libong tao sa inyong tribo, ano ang mapapala mo sa pagtatangka na ipreserba ang iyong wika at kultura? Walang mga maestro at maestra na marunong magturo sa iyong wika, walang mga libro at magasin sa iyong wika na mababasa ng mga bata, walang radyo, sine at palabas sa telebisyon sa iyong wika. At walang magbibigay sa iyo ng trabaho dahil nagsasalita ka ng iyong wika. Para kang nakakulong sa isang paliit nang paliit na hawla, nahatulang manatili habang-buhay na gayon ang iyong buhay. Gusto mong hanapin at sisihin ang nagpakana na manatili kayo sa inyong kultura at wika, pero nang makita mo siya, kahit anong paninisi ang gawin mo, hindi kayo nagkaintindihan, dahil hindi pala niya naiintindihan ang iyong wika at hindi mo rin naman naiintindihan ang kanyang wika. Paano nagkaroon ng karapatan ang taong ito, isang banyaga sa iyong wika at kultura, na itanikala ka sa namamatay na kultura at wika? Ah, dahil sa isang ‘matayog’ na adhika: cultural at linguistic diversity. Gusto mong ihabla siya, dahil sa sinisira ang mga pangarap mo sa iyong mga anak, pero naramdaman mong pinangangalagaan lang din naman niya ang kanyang interest. Isa siyang akademiko sa malaking unibersidad, at nananaliksik at nagsusulat tungkol sa pamamaraan sa pagpapalaki ng kamoteng kahoy ng iba’t ibang tribo, at hindi niya kailanman mararamdaman ang inyong desperadong pagnanasa na makawala sa kultura ng kamoteng kahoy at saging na saba.

Pero magsaya ka, kaibigan. Lahat ng masamang kapalaran ay may konsuelo? Minsan isang taon, maiimbita ka sa malaking siyudad. Doon, magsusuot ka ng bahag, at tatakpan mo ng mga bao ang mga tuhod, dibdib, at bumbunan, at sa tunog ng isang tambol, sasayaw ka at pipilitin mong iyumpog ang mga bao sa tuhod sa mga bao sa dibdib at sa bumbunan. Wow, ang galing! Palakpakan ang mga nanunuod! Ang daming kumukuha ng litrato, at mamayang gabi, nasa Pinoy Patrol TV ka. Cultural diversity! Bukas, uuwi ka sa pinanggalingang bundok, ang iyong kulungan, at huhukay ng kamoteng kahoy at tatabas ng saging na saba. Samantalang ang mga nasa siyudad, sa mga sentro ng pag-aaral at komersiyo, patuloy na sumusulong ang kaalaman at katayuan sa buhay ng mga tao.

Ang pagpapanatili ng linguistic at cultural diversity sa ating bansa ay may isang hindi inasahang kinahinatnan: isuga ang mga biktima ng geographical accident sa kanilang kinalalagyan: biktima.

Tulad ng kultura, ang wika ay may sariling lohika. Susulong at magbabago ito bilang sagot sa hamon ng nagbabagong talastasan. Ang daan tungo sa kamatayan ng isang wika ay nagsisimula sa sandaling mawalan ito ng kabuluhan sa trabaho, sa eskuwelahan, sa palengke, at sa laruan, sapagka’t napalitan na ng isang mas makapangyarihang wika, halimbawa, ng wika ng rehiyon: Sebuwano sa kabisayan, Hiligaynon sa Mindanao, Tagalog sa gitna at timog ng Luzon, at Ilokano sa itaas ng Luzon. Kung ang minoridad na wika ay sinasalita na lang sa bahay, sa sandaling iyon, ang mga magulang na mismo ang gugustong matuto ang kanilang mga anak ng wika ng rehiyon. Nasa mga sentro ng rehiyon ang hanapbuhay at kung hindi ka marunong magsalita ng Sebuwano, halimbawa, paaano ka makakikita ng trabaho sa Cebu kahit man lang tagapagsilbi sa MacDo o sa JollyBee?

Walang magagawa ang sino man kung ang pag-iwan sa isang wika ay sa kagustuhan na rin ng mga likas na tagapasalita.

At bakit sila pipigilin na pawalan ang mga matatandang kaugalian na sa palagay nila’y wala nang halaga? Bakit sila pupulaan na walang pagmamahal sa kanilang kultura at wika, mga pamana pa man din ng mga ninuno? Sa halip, dapat silang hangaan dahil sa lakas ng loob na umalpas sa lumipas, kamanghaan sila sa tiyaga at gilas ng pag-iisip na natuto ng ibang wika, at ipagbunyi sa tapang na mamuhay sa ilalim ng ibang kultura — kung maituturing nga, na sa isang taga-Pangasinan, halimbawa, ibang kultura ang Ilokano.

Simulan ang Edukasyon ng mga Filipino sa Sariling Wika

Isang programa na may pangakong makapagbigay sa mga wika ng pagkakataong maging makatuturan sa mahaba-habang panahon ang tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE): simulan ang edukasyon ng bata sa sariling wika. Maraming pag-aaral na ang nagawa sa ilang panig ng mundo, at sa Pilipinas, na nagpapakita na ang mga bata ay higit na natututo kung ang wika ng pag-aaral ay sariling wika. Ang una kong reaksyon nang mabasa ko ang ulat tungkol sa mga experimento ay pagkamangha: Huh? Saan pa nga ba sila matututong mabuti kundi sa kanilang sariling wika? Isipin na lang, kung Tagalog ang bata, pagpasok sa unang grado, Sebuyano o Ilokano o English ang gagamitin para matutong magkuwenta, paano siya matututo nang mahusay? Pag-aaralan na ang nilalaman ng itinuturo, pag-aaralan pa ang wika ng pagtuturo. Dalawang kabang bigas ang sabay na pasan ng pobreng bata.

Sa unang dinig, parang salungatan ang mga sinasabi ko. Kangi-kangina, iminungkahi ko na hayaan nating umigtad ang mga minoridad mula sa kulungan ng kultura at wika na hindi na kayong bigyan ang mga tagapagsalita ng pantas na laban, isulong silang lumahok sa kapana-panabik na hamon ng makabagong siyensiya, teknolohiya, at ng libre at mabilis na impormasyon. At ngayon ay sinasabi ko na turuan ang mga bata sa kanilang sariling wika?

Sa aking pananaw, ang MLE ay hindi tungkol sa pagtuturo ng wika at kultura. Ang MLE ay tungkol sa paglinang ng kahusayan sa mataas na pamamaraan ng pag-iisip “higher-order thinking skills”: mapanuring pag-iisip, abstraktong pag-iisip, malikhaing pag-iisip, mapamaraang pag-iisip. Ang mga kahusayong ito ang daan sa mabisang pamumuhay sa bagong daigdig, na ang hinahamon ay gilas ng isip, hindi lakas ng buto. Mga kasanayan ito na kailangang linangin habang nasa murang gulang ang mga bata, sa loob ng unang dekada ng buhay. Sariling wika ang unang daan sa ikatutupad ng pangako ng bata.

Sa pagtuturo, alisin ang komplikasyon ng paggamit ng wika na banyaga sa bata. Gamiting wika ng pagtuturo ang wika na malawak ang kanyang karanasan at malalim ang kanyang kasanayan — ang sariling wika. Unahing unawain ng bata ang sariling kultura. Ituon ang mga aralin sa lokal na kasaysayan, kuwentong-bayan, kaugalian, kahiwagaan, at sa mga pangkulturang artipakto ng bayan o probinsya. Paglunuyin ang nag-aaral at hayaang namnamin muna niya ang sariling kultura, habang inihahasa ang isip para magamit na isang matatag na tulay sa pag-aaral ng ibang wika at ng ibang kaugalian at pananaw. Samantala, sapagkat ginagamit ang wika sa paaralan, makikita ng mga magulang na may halaga ang kanilang wika. May pangarap pa rin sila na matuto ang mga anak ng pangrehiyong wika, ng pambansang wika, at ng Ingles. Umaasa sila na sa gulang na 10ng taon, na kung kaila’y matatag na ang kapit sa isip ng bata sa minanang wika at kultura, at maliksi at malusog na ang pamamaraan ng kanilang pag-iisip, handa na ang mga anak nila na matuto ng ibang wika na mas malawak ang gamit, para noon ay may kasangkapan silang umangkin ng isang mabuti-buting buhay, saan mang panig ng rehiyon makikita iyon, o ng bansa, o ng ibang bansa. Sa gulang na 10ng taon, ayon sa pag-aaral ng UNESCO, noon pa lang talaga handang matuto ng ibang wika ang bata.

Ito ang una sa lahat na kailangan ng bansa: mga mamamayang may mapanuri, malikhain, at mapamaraang pag-iisip, na, kapag sinamahan ng sipag, tiyaga, at dangal, bubuo ng henerasyon na may pag-asang makahabol sa mga Intsik, Hapon, at Koreano, na ang edukasyon ay sa sariling wika.

Bilang pangwakas, isang maliit na kuwento. Noong maliit pa ako, sa aming baryo, sa madaling araw, nag-iipon-ipon ang mga matatanda sa aming paligid sa ilalim ng isang punong mangga. Nagsisiga sila, naghuhuntahan, nagsisigarilyo, habang hinihintay na kumulo ang kape. Kailan lang, dumalaw ako sa aming baryo. Wala nang nagpupulong-pulong na mga matatanda sa ilalim ng punong mangga. Una-una, wala na ang punong mangga. Isa pa, puyat ang marami dahil sa panonood ng telebisyon. At sino pa ba naman ang mauupo sa siga at maghihintay na kumulo ang mapaklang kape, samantalang may mainit na tubig sa termos at may mga pakete ng Nescafe 3 in 1 sa mesa. Matagal akong hindi nakauwi sa baryo, kaya hindi ko alam kung sino ang huling nanalungko sa harap ng siga, nagpapainit ng kape, naghihintay na samahan ng mga kaibigan, balitaan siya ng sariwang balita. Gaano katagal bago niya natanggap, na ang usap-usapan sa paligid ng siga, na minana pa natin mula sa mga ninuno natin ilang sampong libong taon na ang nakararaan, ay isang kaugaliang naging biktima ng pagsulong ng panahon. Kung sino ma’y siya, siya siguro ang huling nagkaroon ng telebisyon sa baryo.

4 thoughts on “A Window into Dr. Resty M. Cena’s Thinking on MTBMLE

  1. If loyalty is a relevant guide to taking positions in mtb-mle issues, which I don’t think it is, I’d look beyond language and culture to be the objects of my loyalty — and I see generations of Filipinos who will compete in the international arena, for that’s where the battle that matters will be fought, against well-trained generations of other nationals. On these generations of Pinoys my loyalty lies. And as long as they get the education they will need for jobs that haven’t been invented yet in a competition fiercer than we have ever seen, I won’t care much about the language of instruction, nor would I care if they in the process have to turn their culture upside down. There are certain driftwoods that we have to throw away to prepare our young people for a future when water will be so scarce that one can hardly afford to pay for the daily wash.

    On the second point, the context of the discussion in the paper rests on the following ‘sentiments’: I find it objectionable for any group of outsiders to a tribe to want to preserve the language and culture of the tribe especially if the tribe find their language and culture an economic and social deadend. Second, I find it wrong to exhibit human beings, especially members of a ‘preserved’ tribe, as cultural artifacts, like objects of curiosity in a Barnum & Bailey circus, under any circumstances.

  2. I’ll cross post this to other forums for their reactions. Resty is saying a lot of things and showing a lot of assumptions and conclusions in his short paragraph. Maybe he is like some people in North America who don’t give a hoot about the death of people’s cultures and languages, as long as international competetiveness is upheld. This brings the debate to a different arena altogether.

    What tribe is he talking about? We Visayans do not find our language an economic and social dead end. Does he mean it when he says he does not care about the language of instruction? This statement is pregnant with meaning.

  3. Since Dr. Cena mentioned foreigners, I think it important to speak up to clarify my personal conviction. I am and American, working in the Philippines and Asia on Language, Education and Development issues. I speak here only for myself, not for other foreigners or organizations.

    I completely agree that preserving culture is a poor term. It sounds like we are making pickles or something. And your reference, Dr. Cena, to preservation for the sake of exhibition I also agree fully with. My perspective is that preserving cultures as celebrating people and their systems of knowledge, wisdom and creativity – music, dance, oral literature, written literature, arts and crafts, value systems and world views. When we celebrate people because we understand that they have something important to share with the rest of us, we contribute to preserving their way of life or persepctive of the world, rather than implying that their value only comes as they “reform” to our perspective. This does not imply that cultures must remain as they are, but rather contributes toward cultural and societal development by enabling integration of new information into their systems rather than discarding their systems. As they examine their culture in light of additional information, they can adjust and change so that they continue developing who they are and what they believe. Sometimes this is in relation to unlearning old incorrect information based on new or current scientific knowledge. Sometimes it is enabling a different perspective of how we should treat children or women or people of other groups. Cultural celebration (or preservation as some say) should not be mindless, but rather enabling a true examination of culture within a compassionate, understanding framework, mindful of the worth of other human beings as well as our own personal worth. Culture must continually develop in order to enable that global competitiveness. There will never be global competitiveness for a group of people if they continually look to other people groups as the holders of knowledge, scientific information and “proper” cultural norms. Competitiveness comes from creativity that is born of one’s own perspective and knowledge and that contributes to the understanding of others. Perhaps Dr. Cena, your reference to “dead end culture” comes out of the idea of cultural preservation apart from cultural development. And if so, then I agree that is not helpful, nor is it treating people as worthy of respect. Certainly I would never support stagnation of culture as valuable – either my own culture or anyone else’s.

    Regarding your comment on the lack of importance for the learner’s mother tongue as the language of instruction, I think perhaps you have misunderstood the whole point of MTBMLE. The reason for using the learners’ mother tongue is to both show proper respect to others and to enable learning so that every person who chooses can actually contribute to our global body of knowledge. It is all about how we learn best and how we create an atmosphere of development such that people find their voice to share their perspective with the rest of the world, enriching the rest of us along the way. It would be crucial for all of us to investigate the plethora of research that exists regarding how we learn best and how we learn other languages best. Dr. Cena, your own countrymen and women at the University of Toronto are world leaders in this subject. I would encourage you to examine the work of Dr. Jim Cummins, particularly his book called Language, Power and Pedagogy. I’m grateful for another opportunity to think through my own perspective and to make this feeble attempt to articulate my thoughts in response to your important contribution to this dialogue. I look forward to reading the comments of others as well.

  4. I fully agree with Ms. Dekker on the points she raised in her post. That I was somewhat misunderstood surprised me and this I attribute to insufficient skills in my use of the language.

    In referring to people who do not belong to a tribe, I explicit avoided the word “foreigner” and instead used “outsiders,” which means anybody that does not belong to the tribe, including compatriots, precisely because I do not wish to give the idea that I was referring only to foreign-born nationals.

    For reasons Ms. Dekker so elequently expressed, it is the preservation component of the mantra that I am very much against, a term so beguiling to many that they take it literally. Ms. Dekker suggests the alternative term “development,” but which, while correct, quickly summons to mind the word “underdeveloped.” I have from time to time used the term “evolution,” but that implies an internal machinery beyond direct control, which may even be more accurate since language and culture behave like organic systems that are subject to selective pressures during contact, and mandated changes rarely take hold. Lately I have been using the term “transformation.”

    Ms. Dekker wrote: “Regarding your comment on the lack of importance for the learner’s mother tongue as the language of instruction, I think perhaps you have misunderstood the whole point of MTBMLE.”

    I am extremely disappointed in myself that I succeeded in giving this impression. I re-read my post and I see two potential sources of this misattribution.

    “If loyalty is a relevant guide to taking positions in mtb-mle issues, which I don’t think it is, I’d look beyond language and culture to be the objects of my loyalty — and I see generations of Filipinos who will compete in the international arena, … On these generations of Pinoys my loyalty lies.“
    “And as long as they get the education they will need for jobs that haven’t been invented yet in a competition fiercer than we have ever seen, I won’t care much about the language of instruction, nor would I care if they in the process have to turn their culture upside down.”

    When I see how my unblessed compatriots live, an overwhelming majority of the population, how much of life is missed, and when I read about progress all over Asia, I would reiterate here my position that I couldn’t care less about the language of instruction we use to lift us out of the rut. We have tried a monolingual foreign language system, a bilingual system that to most Filipinos consisted of two foreign languages, and neither worked. So why not MTB? No only that it’s been shown to work, but also that, what else is there to try? What I am so vocally against is the idea, surprisingly held by many learned compatriots, who are obsessed with hurts of the past, who put issues of language and culture as the overriding concerns, ahead of what mtb can do to better economic conditions, and forgetting that one cannot preserved, developed, evolved, transformed the language and culture of a society if there is no one left to speak the language and practice the culture. The hold-overs will stay poor and without influence, not even to their children, to carry the tradition, but many will strive to escape. In both cases, their language and culture will disappear.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s